^

Police Metro

Ayuda sa ‘middle class’, tinutulan ni Tulfo

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa gitna nang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin ay mariing tinutulan ni Senator-elect Raffy Tulfo ang panawagan sa gobyerno na bigyan ng ayuda ang middle class.

Ayon kay Tulfo, kailangang pag-aralan muna ang pagbibigay ng tulong sa middle class, habang yes na yes naman para sa mga mahihirap.

Anya, kaya namang pasanin ng mga middle class ang epekto ng inflation dahil mas mataas naman ang sweldo ng mga ito kum­para sa mga ordinaryong manggagawa.

Idinagdag pa ng bagong senador na tumatanggap na ang mga middle class ng above minimum wage kaya dapat ang bigyan lang ng ayuda ay sa mga minimum o below minimum wage earner.

Sa kasalukuyan umaabot umano sa 8 mil­yong Filipino na ang tumatanggap ng minimum na sweldo kaya dapat lang na sila ang unahing tulungan ng gobyerno.

Sinabi pa ni Tulfo,  na susunod na chairman ng Senate committee on labor sa papasok na 19th ­Congress, maghahain siya ng panukala na reresolba sa problema ng wage theft.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with