Kaso ng COVID-19 sa NCR, tumaas ng 5.9%
MANILA, Philippines — Batay sa latest report ng OCTA Research Group na dumami pa ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.(NCR).
Ito ay tumaas sa 5.9 percent ang positivity rate o may 6 percent na pagtaas nitong June 25 mula sa 3.9 percent noong June 18 at noong June 22 ang positivity rate ay pumalo sa 6.5 percent.
Ayon sa World Health Organization (WHO) dapat ay hanggang 5 percent lamang ang positivity rate at hindi dapat lumampas dito.
Tumaas din ang positivity rate sa Batangas na umabot sa 5.6 percent mula sa dating 1.2 percent.
- Latest