^

Police Metro

Unang taon ng kamatayan ni Noynoy, ginunita

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ginunita kahapon sa pamamagitan ng pag-aa­lay ng misa ang unang taon ng araw ng kamatayan ni dating Pangulong Noynoy Aquino na ginanap sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Pinangunahan niAteneo President Fr. Bobby Yap sa Church of Gesu ang pag-aalay ng misa at sinabi na ang dating Pa­ngulo ay naging isang com­petent leader ng bansa at naging daan sa pagbabago ng kabuhayan ng milyong Pilipino.

Anya, isinabuhay ni Aquino ang motto ng Ateneo na pagiging “man for others” at ang mala­king suporta sa Benigno Simeon Aquino III Scho­larship Endowment initiative na patunay ng uri ng kanyang mahusay na serbisyo-publiko na namuno sa bansa noong 2010 hang­gang 2016.

Nagpasalamat naman si Ballsy Aquino-Cruz, panganay na kapatid ng dating presidente sa  mga dating kamag-aral ni Noynoy sa Ateneo, sa pag-organisa ng misa, maging­ ang mga dumalo sa pag­titipon.

Kabilang sa mga du­malo ay ang kapatid ni Aquino na si Pinky, Vice President Leni Robredo, Liberal Party mem­bers­ Se­nators Franklin Drilon­ at Kiko Pangili­nan, dating­ Interior Secre­tary Mar Roxas, dating  pre­sidential spokesperson Edwin Lacierda at kanyang deputy na si Abigal Valte, dating BIR Chief Kim Henares, at ang ma­tagal ng tauhan ng pa­milya Aquino na si Yolly Yebes.

Taong 2021 nang pu­ma­naw si Aquino sa kanyang tahanan sa Times Street dahil sa  renal disease secondary to diabetes. Siya ang nag-iisang anak na lalaki nina dating senador Ninoy Aquino at da­ting Pangulong Cory Aquino.

vuukle comment

NOYNOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with