^

Police Metro

Pumapasadang provincial buses, bumaba sa 20%-30%

Mer Layson - Pang-masa
Pumapasadang provincial buses, bumaba sa 20%-30%
Commuters riding a bus in La Union observe physical distancing on May 13, 2020.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bunsod nang sunud-sunod na pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo sa bansa ay nasa 20% hanggang 30% na lang ng kabuuang bilang ng mga provincial buses ang bumibiyahe sa ngayon.

Ayon kay Provincial Bus Operators Association of the Philippines executive director Alex Yague, ang bilang ng mga provincial buses na bumibiyahe noong Abril ay umakyat na sa 60%, kasunod na rin nang pagluwag ng mga ipinatutupad na COVID-19 restrictions.

Muli naman aniyang bumaba ang bilang ng mga ito sa nakalipas na mga linggo dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng petroleum products.

Hindi naman sinabi ni Yague kung ilan ang kabuuang bilang ng mga provincial buses na tinutukoy niya.

Sinabi pa ni Yague na dahil sa limitadong bilang ng mga bus, kinakailangan ng mga pasahero na maghintay ng mas matagal upang makasakay.

Una nang napaulat na 26,000 provincial bus workers ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa serye ng fuel price hikes.

vuukle comment

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with