^

Police Metro

WFH, ipagpatuloy sa serye ng oil price hike pantipid sa pasahe, gasolina — Sen. Gatchalian

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senador Win Gatchalian sa mga ahensya ng gobyerno pati sa mga pribadong kompanya na ipagpatuloy ang flexible work arrangement para makatipid sa gasolina at pamasahe ang mga empleyado.

“Ang aking opisina ay patuloy na nagpapa­tupad ng work-from-home arrangement upang ma­katipid sa gasolina, ma­kaiwas sa masikip na trapiko, makatipid sa oras, at maiwasan ang hirap ng pag-commute araw-araw papasok sa trabaho,” sabi ni Gatchalian.

Ang ganitong set-up aniya ay mapapakinaba­ngan din ng mga employer dahil makakatipid sila sa mga gastusin ng kumpanya.

Bago pa maglabas ng resolusyon ang Civil Service Commission (CSC) na nagpapahintulot sa fle­xible work arrangements sa mga ahensya ng gobyerno, sinabi ni Gatchalian na ipi­natutupad na ito ng ilang pribadong kumpanya.

Sa ilalim ng Republic­ Act No. 11165 o ang “Te­lecommuting Act”, ang mga pribadong kumpanya ay maaaring mag-alok ng isang telecommuting program sa mga empleyado nila batay sa mga tuntunin at kondisyon na napagkasunduan nila.

Para mapalawig pa ang flexible work arrangement, nais ni Gatchalian na maisabatas ang kanyang panukala na magbibigay­ ng tax incentives sa mga empleyado na naka-work-from-home o telecommu­ting program at income tax deduction sa mga employer.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1706, kung saan co-author si Gatchalian, magbabawas ng P25.00 mula sa binuwisang kita ng isang empleyado sa bawat oras ng trabaho na ginawa sa ilalim ng WFH arrangement.

Sa kanyang panukala, iminungkahi rin ng senador na huwag nang buwisan ang mga allowance at iba pang benepisyo ng mga empleyado na suma­saklaw sa mga gastos para sa telecommuting na hindi hihigit sa P2,000 kada buwan.

Sa bahagi ng mga employers, iminungkahi ng senador na maaaring bawasan ng karagdagang 50 porsyento ang kanilang income tax deduction para sa mga allowance na sakop ng panukalang batas.

vuukle comment

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with