^

Police Metro

CREATE Act malaking ambag sa pagbangon ng ekonomiya — DTI chief

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Dept. of Trade Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez si 2nd District Albay) Rep. Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means na malaki ang naging papel at naiaambag sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa matapos ang pagka­kalugmok dulot ng pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Lopez  na pinasalamatan sa kaniyang liham si Salceda sa akda nitong Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act o RA 11536 at mga insentibo nito ang nagsilbing daan tungo sa pagtatag ng bagong istratehiya  sa pagbalangkas ng ‘Strategic Investment Promotion Plan (SIPP) para sa lahat ng ahensiyang nagsusulong ng pamumuhunan sa bansa.

Ang CREATE Act ay napagtibay na batas matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2021 bilang pinakamalaking ‘fiscal stimulus’ para sa mga negosyo sa bansa sa pamamagitan ng mga reporma sa sistema ng pagbubuwis.

Inimbitahan din ni Lopez si Salceda sa “Appreciation Ceremony” na itinakda sa darating na Hunyo 27 ganap na alas-2 ng hapon sa Legazpi 1 Ballroom, 2nd Floor ng Makati Diamond Residences sa Makati City.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with