^

Police Metro

Army major tinodas, Captain nagpakamatay

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang Army major habang sugatan ang isang sarhento matapos na sila ay pagbabarilin ng isang Army captain na nagbaril din sa sarili, naganap kamakalwa sa loob mismo ng Camp Weene Martillana, Brgy. San Jose, Pili, Camarines Sur.

Napuruhan ng punglo sa katawan at agarang nasawi si Maj. Garry Masedman, finance officer ng 5th Finance Service Field Office ng 9th Infantry Division ng Philippine Army habang sugatang isinugod sa pagamutan si Staff/Sgt. Manuel Colico na nadamay lang sa pamamaril sa kanilang opisyal.

Natagpuan namang duguan at patay na sa loob ng kanyang apartment ang suspek na si Capt. Martin Anosa Jr., administrative officer.

Sa ulat, naganap ang krimen, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang magkaroon umano nang mainitang pagtatalo sina Capt. Anosa at Major Masedman hinggil sa personal na problema ng una.

Sa tindi nang pagtatalo ay umalis ang suspek at ilang sandali ay bumalik ito na bitbit ang hindi pa malamang kalibre ng baril at saka pinagbabaril ang kanyang opisyal kung saan nadamay pa si Colico.

Makaraan nang pamamaril ay umuwi ang suspek sa kanyang tinutuluyang apartment malapit sa kampo at nagbaril sa kanyang sarili.

vuukle comment

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with