^

Police Metro

Mayor Belmonte, pinadali na ang pagkuha ng business permit

Mer Layson - Pang-masa
Mayor Belmonte, pinadali na ang pagkuha ng business permit
Ayon kay  Belmonte, ang hakbang na ito ay bahagi ng streamlining efforts ng lungsod kasama ang online business permit application, na dati nang inilunsad noong Oktubre 2020.
Joy Belmonte FB Page

MANILA, Philippines — Mas pinadali ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkuha ng business permit na hindi na kailangang pumunta ng city hall  dahil isang “click” na lamang ang kailangan sa pagproseso nito.

Ang pahayag ay kasunod ng pag-100 percent on-line ng Business Permits and Licensing Department (QC BPLD) noong nakaraang linggo.

Ang mga may-ari ng negosyo ay maaaring magba­yad para sa kanilang business tax assessment nang hindi bumibiyahe o pupunta pa sa city hall sa pamamagitan ng QC E-Services platform.

Ayon kay  Belmonte, ang hakbang na ito ay bahagi ng streamlining efforts ng lungsod kasama ang online business permit application, na dati nang inilunsad noong Oktubre 2020.

Paliwanag naman ni Margie Santos, hepe ng BPLD, lahat ng may-ari ng negosyo na gustong humiling ng kanilang local business tax assessment ay maaari nang gawin ito sa pamamagitan ng QC E-Services portal (https://qceservices.quezoncity,gov.ph) sa ilalim ng “Pay Business Tax ” menu.

Pinaalalahanan ni Santos ang mga nagbabayad ng buwis na ihanda ang lahat ng mga naaangkop na dokumento na dapat i-upload sa system tulad ng Notarized Monthly Gross Sales, Proof of Authority, Certificate of Authority mula sa DTI, at Mayor’s Permits ng iba pang sangay sa labas ng Quezon City.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with