^

Police Metro

Abogadong Pinoy, patay sa pamamaril sa US

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bumibisitang abogadong Pilipino sa US ang nasawi kasunod ng road shooting incident.

Kinilala ni Philippine Consulate General Elmer Cato ang biktima na si Atty. John Laylo, 36-anyos na binawian ng buhay habang ginagamot sa isang pagamutan sa Philadelphia.

Sinabi ng opisyal na si incoming Secretary of Migrant Workers Susan Ople, ang nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa shooting incident sa Philadelphia kung saan nasugatan ang abogado na bumibisita lamang doon.

Base sa impormasyong nakuha ng consulate na ang biktima at kanyang ina ay binisita ang kanilang kamag- anak sa Philadelphia at papunta na sa airport dakong alas-4:00 ng madaling araw para sa kanilang flight patungo sa Chicago nang pagbabarilin ang kanilang sinasakyang Uber car.

Tinamaan sa ulo ang biktima ng isa sa anim na bala na mula sa mga suspek at kaagad na dinala sa kalapit na ospital na idineklarang kritikal na kalaunan ay nasawi habang ang kanyang ina naman ay nagtamo ng bahagyang sugat mula sa mga tumalsik na salamin ng sasakyan.

vuukle comment

SHOOTING INCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with