^

Police Metro

Dalaga itinumba ng tandem sa Navotas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang dalaga matapos barilin nang malapitan ng dalawang hindi pa nakilalang salarin sa Navotas City nitong Biyernes ng gabi.

 Idineklarang dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Rizalyn Rivera, 30, helper ng 129 Cattleya St., Brgy. NBBS Proper ng lungsod dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo.

 Sa report ni P/Staff Sgt. Levi Salazar kay Navotas Police chief P/ Col. Dexter Ollaging, alas-11:45 ng gabi ay nakita pa ng mga residente ang biktima na kasama ang dalawang lalaki na nakasuot ng face masks at bumili ng sigarilyo sa kalapit na sari-sari store sa may Blk 28, Kanduli St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan,

 Ilang saglit pa, umalingawngaw ang apat na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang dalaga sa lugar habang tumakas ang mga suspek.

 Narekober ng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang limang basyo ng bala at tatlong nadepormang bala.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with