177 Tinang farmers makakatanggap ng CLOAs
MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ng Department of Agrarian Reform (DAR) na igagawad nito ang mga katibayan ng land ownership sa mga magsasaka ng Hacienda Tinang sa Tarlac bago sumapit ang Hunyo 30.
Ayon kay Agrarian Assistant Secretary John Laña na hindi bababa sa 177 magsasaka ang kwalipikado na makatanggap ng certificate of land ownership award (CLOAs) batay sa beripikasyon nitong nakaraang buwan. May kabuuang 236 indibidwal naman ang nagsasabing benepisyaryo sila ng agrarian reform sa lugar.
“As far as I am concerned, nangako na kami sa mga tao na bago mag-June 30 ay kailangan mai-award na ito sa mga qualified. I am not saying na 236 for now, 177 lang ang initial qualified na listahan,” dagdag niya.
- Latest