^

Police Metro

DOH, nakapagtala ng 16 Omicron subvariants

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) na sila ay nakapagtala ng 16 pang Omicron subvariants BA.5 at BA.2.12.1 sa isinagawang ‘genome sequencing’.

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nang matukoy sa sequencing ang anim na bagong kaso ng BA.5 at 10 bagong kaso ng BA.2.12.1.

Sa limang BA.5 cases, dalawa ang mula sa National Capital Region (NCR), habang tig-iisa naman ang nagmula sa Cagayan Valley, Western Visayas, Northern Mindanao, habang isa pa ang bineberipika ang tirahan.

Sa mga bagong kaso ng BA.2.12.1, apat ang nanggaling sa NCR, dalawa sa Calabarzon, at tig-iisa sa Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, at isang nagbabalik na overseas Filipino worker.

Una nang sinabi ng DOH na nananati­ling banta sa bansa ang mga lumilitaw na subvariants na maaaring pag-umpisahan muli ng mga surges ng mga kaso dahil sa mas nakahahawa ito na sasabayan sa mga susunod na buwan ng pagbaba ng ‘immunity’ ng mga Pilipino na nagpabakuna na ngunit hindi pa nagpapa-booster shot.

vuukle comment

DOH

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with