Guro na wanted sa kasong rape, inaresto sa paaralan
MANILA, Philippines — Isang gurong lalaki na nakatala bilang No.1 most wanted sa kasong panghahalay ang inaresto sa loob ng paaralan na kanyang tinuturuan sa Tondo, Maynila, kamakalawa.
Inaresto ng mga pulis ang suspek na si Arnold Albert Punzalan, 29, elementary teacher sa bisa ng warrant of arrest sa dalawang bilang na kasong rape na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 43 Judge Roy Gironella.
Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng tanghali nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Station 8 si Punzalan habang nasa loob ng isang silid-aralan sa pinapasukan niyang paaralan.
Walang inilaan na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Punzalan dahil sa bigat ng kaniyang kinakaharap na kaso na isang heinous crime.
- Latest