^

Police Metro

RORO ship tumagilid: 4 sasakyan nahulog sa dagat, 23 nasagip

Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa pagtagilid ng isang RORO vessel na sanhi ng pagkahulog sa dagat ng sakay nitong tatlong dump truck at isang van habang nasagip ang 23 katao sa Real Port sa Brgy. Ungos, Real, Quezon Biyernes ng hapon.

Sa ulat ng Real Police, nakadaong ang LCT Balesin cargo vessel habang nagkakarga ng mga rolling cargoes nang hindi umano makalkula ng crew ang ba­lanseng bigat ng mga cargo na naging sanhi ng pagtagilid nito. Apat na sasakyan ang tuluyang dumausdos at nahulog sa dagat. 

Nakalangoy naman patungo sa ligtas na lugar ang 9 na crew at 14 na pasahero, kabilang ang apat na driver ng lumubog na mga cargo truck. 

Wala namang nasaktan sa nangyaring insidente. 

Ang naturang RORO na pag-aari ng Alphaland Balesin Island Club Incorporated ay patungo sana sa Polilio Island nang maganap ang aksidente. Sinubukan pa umano ni Captain Ely Gajarion na dalhin sa malalim na parte ng tubig ang barko para mabalanse ito pero tuluyan nang tumagilid. 

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with