^

Police Metro

Go, muling isusulong ang death penalty sa durugista, mandarambong

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa si Senator Christopher “Bong” Go na muling ihain ang panukalang batas na nagsusulong na muling buhayin ang death penalty para sa ilang heinous crimes o karumal-dumal na krimen, sa susunod na Kongreso. Matatandaang noong Hul­yo 2019, isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207 na naglalayong muling buhayin ang capital pu­nishment para sa illegal drugs at kasong plunder ngunit bigo itong maipasa sa 18th Congress.

“Anyway, we can file it again if we want. Itong SB 207, reinstating the death penalty for certain heinous crimes invol­ving dangerous drugs and plunder,” ani Go, sa isang ambush interview matapos ang kanyang monitoring visit sa Malasakit Center sa Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City.

Binigyang-diin ni Go na ang reinstatement ng death penalty ay alinsunod sa krusada ni Pang. Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga, kriminalidad at korapsiyon, dahil makatutulong ito upang magdalawang-isip ang mga kriminal na gumawa ng krimen.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Go, ang mga drug-related crimes at plunder o pandarambong o illegal na pagkakamal ng kayamanan ng isang opisyal ng pamahalaan na lampas sa P50 milyon ay may katapat nang parusang kamatayan.

Nanindigan din si Go na ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa korapsiyon, ilegal na droga at krimen, ay nakapagpahusay sa peace and order sa bansa at nagpahintulot sa paglago ng mga negosyo at komunidad.

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with