^

Police Metro

Negosyanteng misis itinumba sa harap ng mga anak

Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 35-anyos na ginang nang ito ay pagbabarilin ng isa sa tatlong lalaki na nagpanggap na kustomer sa kanyang tindahan sa Brgy.Talogtog, Dolores, Abra, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Jennifer Manaois Belong, 35, may-ari ng  Janice Pancitan, isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) at tubong Lagayan, subalit nakatira sa Talogtog kasama ang tatlong anak.

Sa ulat, alas-4:10 ng hapon ay nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima kasama ang mga anak na babae na nagmemeryenda ng pumasok ang tatlong lalaki at umorder ng tatlong plato ng pansit.

Matapos isilbi ng biktima ang pansit, isa sa tatlong lalaki ang bumunot nang baril at pinagbabaril ang una ng maraming beses at nang duguang bumulagta, naglakad patakas ang tatlong suspek habang ang biktima na nagtamo ng apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay dinala sa pagamutan, subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with