^

Police Metro

8 nasawi sa leptospirosis sa Eastern Visayas – DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
8 nasawi sa leptospirosis sa Eastern Visayas � DOH
Tatlo sa mga nasawi dahil sa leptospirosis ay mula sa Tacloban City, bayan ng Abuyog at Hilongos sa Leyte; dalawa sa bayan ng Padre Burgos at Hinunangan sa Southern Leyte; dalawa sa Basey at Catbalogan City sa Samar; at isa sa Maydolor, Eastern Samar.
File

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Health (DOH) na walo na ang namamatay sa 53 kaso ng leptospirosis sa Eastern Visayas magmula nitong Enero 1 ng kasalukuyang taon.

Sa 53 kaso, 22 nito ay mula sa Leyte; 10 sa Samar; tig-pito sa Southern Leyte at Eastern Samar; lima sa Northern Samar; at dalawa sa Biliran.

Tatlo sa mga nasawi dahil sa leptospirosis ay mula sa Tacloban City, bayan ng Abuyog at Hilongos sa Leyte; dalawa sa bayan ng Padre Burgos at Hinunangan sa Southern Leyte; dalawa sa Basey at Catbalogan City sa Samar; at isa sa Maydolor, Eastern Samar.

Mahigpit na nagpa­alala si Jelyn Malibago, regional information officer ng DOH-E. Visayas, na iwasan ng publiko ang paglusong sa baha upang makaiwas na makuha ang bacteria na nagmula sa ihi ng daga.

Sa pagpasok ng tag-ulan sa bansa, inaasahan ng DOH na tataas pa ang mga kaso ng naturang sakit lalo na kung hindi tutugon ang mga tao sa paalala nila.

vuukle comment

LEPTOSPIROSIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with