^

Police Metro

Pulis inireklamo ng binatilyo ng pang momolestiya, inaresto

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis sa Las Piñas City ang inaresto maka­raang ireklamo ng isang 15-anyos na binatilyo na pangmomolestiya sa loob mismo ng istasyon ng pulisya kahapon.

Itinago muna ng pu­lisya ang pagkakakilanlan sa biktima at maging sa pulis na inaakusahan.

Sa ulat, naganap ang pananamantala umano ng suspek habang nagsasagawa ng morning devotion at Bible study ang ina ng biktima, na isang pastora na nakadestino sa Alabang Zapote station.

Lumabas ang binatilyo na nilapitan ng pulis na nagsisilbing desk officer ng oras na iyon.

Ayon sa binatilyo, hina­wakan umano ng pulis ang kaliwang balikat at dibdib niya at gumapang sa panta­lon at maselang bahagi niya.

Ipinasok pa siya umano ng pulis sa isang opisina at doon itinuloy ang uma­no’y pang-aabuso.

Matapos nito, isinumbong ng binatilyo sa ina ang pangyayari na agad namang nagsampa ng reklamo.

Mismong si Las Piñas City Police chief Colonel Jaime Santos ang nagtungo sa istasyon at umaresto sa kaniyang tauhan.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na nakatakdang sampahan ng sexual assault at paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse Law.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with