5 bagong kaso ng Omicron subvariant natukoy
MANILA, Philippines — Natukoy ng Department of Health (DOH) ang limang bagong kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa Western Visayas.
Sinabi ni Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho, ang mga bagong kaso ay mula sa tatlong returning overseas Filipinos na fully vaccinated kontra COVID-19 na bumalik sa bansa mula sa Estados Unidos. Habang ang dalawa naman sa mga bagong naitala ay local cases na kapwa rin kumpleto na sa bakuna.
Kaya’t umabot na sa 22 ang kabuuang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa.
Labing-walo sa mga ito ay locally-acquired — dalawa mula sa National Capital Region, 12 mula sa Puerto Princesa sa Palawan, at apat mula sa Western Visayas.
Kinumpirma ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Mayo 17 na natukoy ang local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1, kasama ang mga bagong kaso na natagpuan sa rehiyon ng Western Visayas.
- Latest