^

Police Metro

Halos 2 milyon doses ng COVID-19 vaccine mapapaso sa Hunyo

Danilo Garcia - Pang-masa
Halos 2 milyon doses ng COVID-19 vaccine mapapaso sa Hunyo
“Sa ating expiring na vaccine, we will have the final numbers by end of May. But hanggang June we are expecting kung hindi ma-jab almost 2 million kung hindi magamit by end of June,” saad ni Cabotaje.
AFP / Joseph Prezioso

MANILA, Philippines — Aabot sa dalawang mil­yong doses ng CO­VID-19 vaccines ang mapapaso sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo.

Ito ang inamin ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Ca­­botaje na maaari pang ma­dagdagan ang bilang dahil sa hindi pa ito pinal.

“Sa ating expiring na vaccine, we will have the final numbers by end of May. But hanggang June we are expecting kung hindi ma-jab almost 2 million kung hindi magamit by end of June,” saad ni Cabotaje.

Nagsumite naman ng ‘demand forecast’ ang DOH ng 34 milyong doses na binubuo ng mga pampalit sa mga nag-expire na at mag-e-expire pa lang na doses.

Nagpasabi naman ang COVAX sa Pilipinas na ang pampalit sa mga baku­nang ito ay manggagaling sa iba’t ibang sources hindi lamang sa kanila.

Ngunit kinukunsidera ng COVAX na palitan ang mga bakuna na binili ng pamahalaan maging ang binili ng mga pribadong sektor at ng mga lokal na pamahalaan.

Sa kasalukuyan, nasa 73.7 milyong Pilipino na ang nabigyan ng kahit isang dose ng bakuna habang nasa 69.1 milyon ang bakunado­ na.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with