^

Police Metro

P100K insentibo para sa pamilya ng nasawi sa COVID-19 vaccine, fake news

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Huwag maniwala sa kumakalat na post sa social media na makatatanggap ng P100,000 insentibo ang pamilya ng sinuman na masasawi o magiging baldado dahil sa COVID-19 vaccines.”

Ito ang naging babala kahapon ng Department of Health (DOH) sa publiko at tinawag nila itong “fake news” ang kumakalat na post at mensahe na umano’y mga hindi totoong pangako lamang buhat sa hindi mapagkakatiwalaang ‘source’.

Ayon sa mensahe, ang mauulila ng sinumang masasawi o ang sinuman na magiging ‘disabled’ dahil sa bakuna ay makatatanggap buhat sa pamahalaan ng P100,000 at isang sertipiko ng pagiging ‘Hero of the Pandemic’ na umano’y pirmado ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ngunit para makuha ito, kailangan umanong mapatunayan na ang biktima ay nasawi dahil sa bakuna, at nasa maayos na kalusugan bago maturukan ng bakuna na sertipikado ng isang doktor.

Iginiit rin ng ahensya na lahat ng bakuna na ibi­nibigay nila sa publiko laban sa COVID-19 ay ligtas at napatunayang epektibo.

“Instead of spreading false and unverified rumors, let’s be responsible and do out part in sharing the right information. Let’s save lives, think before you click,” dagdag pa nito.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with