^

Police Metro

Marian, natabunan si Bea!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Marian, natabunan si Bea!

Talagang pinakamagandang endorser ng Beau­tederm si Marian Rivera. Kasi nga talagang all out siya sa pagtulong para makilalang mabuti ang beauty product ng Beautederm kahit pa nga mga home fragrances at candles ang ini-endorse niya.

Siyempre, brand ang Beautederm, so lahat ng nasa ‘umbrella’ nito dala ng pag-endorse ni Marian. At tulad ng isang professional, maaga siya sa presscon, hindi nagmamadali, lahat ng tanong sinasagot.

At siguro hindi tulad ni Bea Alonzo na matagal lagyan ng makeup para gumanda, kaya maaga si Marian sa presscon.

May guwapong asawa, dalawang cute na anak, kaya secure ang feeling. Hindi gaya ni Bea na dalawang beses na-ghosting ni Gerald Anderson kaya medyo may complex at insecurity, hah hah hah.

Iba talaga ang Marian, pang-Beautederm talaga ang ganda. Para tuloy lalo pang dumilim ang daigdig ni Bea dahil natabunan siya ng ningning ni Marian.

Angeline, ‘di naging maingat

Kaibigan pala ng anak ko na si Sneezy si Kate na handler yata ni Angeline Quinto.

At nakiusap ang anak ko to take a second look kay Angeline. Wala naman akong personal na galit kay Angeline, at never naman kaming nagkaroon ng chance na magkakilala. ‘Yung opinion ko, dala ng mga nababasa at napapanood ko.

Ang punto ko lang, ‘yung issues, dapat tinitingnan nilang mabuti para hindi maging minus factor sa isang celebrity.

Tulad kahapon, may item na naman na laging walang cash si Angeline at sa BF pa siya nanghihiram.

Maganda ba ang issue na ito para sa isang babae tulad ni Angeline? Saka ngayong meron siyang anak, hindi ba dapat maingat na ang mga sinasabi niya? Bakit hindi ang pagiging mahusay na singer, talented na babae ang bigyang pansin sa kanya. Or ‘yung focus sa pagiging ina kahit pa nga out of wedlock ang anak niya.

Hindi lahat ng news ay maganda ang impact sa isang celebrity, totoo man na good or bad, still a publicity, magiging stigma pa rin iyon.

Mas maganda na sa umpisa pa lang, positive na ang balita about you para mas magaan. Sayang ang talent ni Angeline, ‘yung husay niyang kumanta, kung mga walang wawa na balita lang ang lumalabas about her.

Sige, sana nga mabago na ang takbo ng mga balita tungkol kay Angeline, medyo ‘yung sensible na, at iwasan na ang balita sa isang lalaki na hindi kayang panindigang pakasalan ang ina ng anak niya. Isama mo na lang siya sa news ‘pag kasal na kayo, para legitimate ang inyong anak.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with