^

Police Metro

Halos P4 dagdag sa presyo ng gasolina, ipatutupad ngayon

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong araw ng Martes ay magpapatupad ng mala­king pagtaas sa presyo ng gasolina, habang malaking bawas naman sa presyo ng diesel at kerosene sa kada litro.

Sa magkahiwalay na advisories, ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ay magpapatupad ng P3.95 na patong sa presyo ng kada litro ng gasolina habang babawasan naman ng P2.30 ang diesel at kerosene ng P2.45 sa bawat litro.

Magpapatupad ng parehong pagbabago sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines Inc.

Mauunang magpapairal ng bagong presyo ang Caltex pagsapit ng alas-12:01 ng madaling araw ng Mayo 24, habang ang iba pang kumpanyang nabanggit ay pagsapit pa ng alas-6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na bandang alas- 8:01 pa ng umaga.

vuukle comment

GASOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with