^

Police Metro

3 rider patay sa aksidente

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong motorcycle rider ang nasawi sa magkaka­hiwalay na aksidente sa kalye sa lalawigan ng Ca­vite, Bulacan at Nueva Vizcaya.

Sa Alfonso, Cavite nasawi noon din ang 22-anyos­ na si Carlo Cosino­ Perea, ng Brgy. Marahan 2 nang masalpok siya habang nag­momotor ng close van na minamaneho ni Michael Marcelo, 31, nang ito umano ay nag-overtake, alas-3:45 ng hapon.

Patay rin ang 26-anyos­ na si Jaypee Paraiso, binata, ng Purok Ibayo, Brgy. Mambog, Malolos City ma­tapos mawalan ng kon­trol sa minamanehong mo­tor­­siklo at tuluy-tuloy na bumagsak sa fishpond na nagresulta ng pagkalunod at pagka­matay, alas-3:00 ng mada­ling araw noong Huwebes.

Namatay rin ang 23- anyos na si Roberto Aghan, habang sugatan naman ang kasamahan na nakilalang­ si Mark Anthony de Leon, 23, kapwa residente ng Ba­rangay Poblacion, Sta. Fe sa Nueva Vizcaya matapos sumemplang sa kanilang motorsiklo sa bahagi ng Barangay Mangayang, Dupax del Sur, kamakalawa ng alas-11:00 ng gabi. - Omar Padilla, Victor Martin

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with