^

Police Metro

12 nagwaging senador naiproklama na

Malou Escudero - Pang-masa
12 nagwaging senador naiproklama na
Iprinoklama na kahapon ng Commission on Elections (COMELEC) ang 12 nanalong senador sa nakalipas na May 9 na isinagawa sa PICC Tent.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Binati kahapon ng Malacañang ang 12 nanalong senador na ipinoroklama bilang mga miyembro ng papasok na 19th Congress.

“We congratulate the twelve (12) newly proclaimed Senators of the Republic,” pahayag ni acting presidential spokesperson Martin Andanar.

Sinabi ng Malacañang na inihalal ng mga mamamayan ang mga dati na at mga bagong mukha sa Senado na naghahatid ng bagong pag-asa kasama ang mga bagong mambabatas.

Sinabi rin ng Malacañang na pana­hon na nang pag-usad matapos ang pag­ka­kawatak-watak dahil sa eleksiyon.

Ipinaalala rin ng Malacañang na mabigat na trabaho na kailangang gawin para sa pagbangon ng ekonomiya na labis na naapektuhan ng COVID-19.

Makabubuti aniyang magtulungan­ ang lahat at magdasal para sa ikata­tagumpay ng bansa.

Samantala, ang 12 senador na nakopo ang unang 12 upuan para senador ay sina actor Robin Padilla, Antique Representative Loren Legarda, broadcaster Raffy Tulfo, Senador Sherwin Gatchalian, Sorsogon Governor Chiz Escudero at dating Public Works chief Mark Villar.

Kasama rin sina Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano, Senador Juan Miguel Zubiri, Senador Joel Villanueva, dating Senador JV Ejercito, Senador Risa Hontiveros at dating Senator Jinggoy Estrada. - Danilo Garcia

vuukle comment

SENATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with