^

Police Metro

P33 umento sa sahod sa NCR, epektibo na sa Hunyo 3

Danilo Garcia - Pang-masa
P33 umento sa sahod sa NCR, epektibo na sa Hunyo 3

MANILA, Philippines — Inanunsyo ni Labor­ Secretary Silvestre Bello III sa pamamagitan ni DOLE-Information and Publication­ Services director Rolly Francia na epek­tibo na sa Hunyo 3 ang P33 na minimum wage increase sa Metro Manila.

Ibig sabihin, simula sa susunod na buwan, ay magiging P570 na ang mi­nimum wage para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector at P533 sa agriculture sector.

Kung mailalathala naman ang wage order para sa Western Visayas sa Mayo 19, magiging epektibo rin ang dagdag-sweldo ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon sa Hunyo 3. 

Samantala, inihayag din ng DOLE na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) nitong Mayo 16 ang kautusan na nagtataas sa minimum wage ng P60-P90 sa mga rehiyon ng Ilocos, Caga­yan at Caraga.

Kapag naipatupad na ang lahat ng tranches, ang minimum wage sa rehiyon ay aabot na sa P372-P400 mula sa dating P282-P340.

Inaprubahan din ng board ang pagbibigay ng P500 at P1,500 buwanang pagtaas sa suweldo sa mga ‘domestic workers’ sa mga siyudad at ‘first-class municipalities’, para tumaas ang kanilang buwanang suweldo sa P5,000.

Itinaas naman ng RTWPB II nitong Mayo 17 ang dagdag na P50-P75 ng dalawa hanggang tatlong tranches sa Region 2 na sa oras na maimplementa ay tataas ang suweldo sa rehiyon ng P400-P420 mula sa dating P345-P370.

Iniutos rin ng RTWPB XII nitong Mayo 17 ang pagbibigay ng P15 COLA na idadagdag sa P305 basic salary sa rehiyon at dagdag-suweldo na P30 para tumaas ang minimum wage sa P350.

vuukle comment

DOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with