^

Police Metro

1-linggo matapos ang halalan Pinas walang naitalang COVID-19 surge

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng OCTA Research Group na wala pang naitatalang panibagong COVID-19 surge sa bansa, isang linggo makaraan ang pagdaraos ng National at Local Elections nitong Mayo 9.

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing kahapon na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases, ito ay bumaba rin naman.

“Wala pa tayong nakikitang increase ng cases doon sa campaign rallies, sorties. February pa tayo nagkaroon ng campaigns, wala pa namang nagkakaroon ng pagtaas ng kaso na talagang sustained,” paliwanag niya.

“May nagsasabi na maghintay pa tayo up to two weeks. So far wala pa naman tayong nakikitang indication na may cluste­ring of cases dahil doon sa recent elections natin noong May 9,” dagdag pa niya.

Sa kabila nang kumpirmasyong nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant BA.2.12.1. ay walang nakikitang anumang banta na muling magkaroon ng surge ng COVID-19.

Una nang inianunsiyo ng Malacañang nitong weekend na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay mananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng buwang ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with