^

Police Metro

Mga kandidato pinaalalahanang magsumite ng SOCE

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang lahat ng lumahok sa 2022 national and local elections, kabilang ang mga nag-withdraw, na magsumite ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCEs).

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, dito aniya malalaman kung saan galing ang pondong ginastos  ng mga kandidato sa kampanya.

Mababatid rin sa deklarasyon kung paano ginastos ang pondo, kung may natira o sobra at kung nagbayad ba sila ng kaukulang buwis.

Base sa umiiral na batas, maaaring itabi sa pamamagitan ng pagdedeklarang ‘income’ o kita ang sobrang ‘campaign fund’ basta matitiyak na magbabayad sila ng kaukulang buwis.

Nakatadhana ito sa ilalim ng Section 14 ng Republic Acgt 7166, kung saan nasusulat na ang mga kandidato at tresurero ng mga partidong politikal ay kailangan na isumite sa loob ng 30 araw matapos ang halalan ang totoo at ‘itemized’ na SOCE.

Hindi maaaring gampanan ng mga kandidato ang kanilang tungkulin kung sakaling nanalo hanggang hindi sila nakapagsusumite ng kanilang SOCE maging ang mga partido na nagnonomina ng kanilang nanalong kandidato.

vuukle comment

ELECTION

SOCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with