^

Police Metro

Robredo, mga anak, lumipad sa NY

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumipad na pa-New York City, USA si Vice President Leni Robredo at kanyang mga anak upang dumalo sa graduation ng bunso na si Jillian.

Nagbahagi si Aika, na anak ni Robredo, sa Instagram ng video kasama ang kanyang ina at mga kapatid habang sakay ng eroplano.

Tiniyak naman ng bise presidente na pangangasiwaan pa rin niya ang paghahanda para sa paglulunsad ng Angat Buhay program.

Ang Angat Buhay program ay isang non-government organization na binubuo ng mga volunteers na tumulong sa kanyang kampanya noong katatapos na eleksiyon.

Si Robredo ay tumakbo sa pagka-pangulo sa katatapos na May 9 polls at nabigo.

Batay sa partial unofficial tally ng mga boto sa pagkapangulo hanggang noong Mayo 13 mula sa datos ng Comelec Transparency Media Server, nakakuha lamang si Robredo ng 14,822,051 boto kumpara sa 31,104,175 boto ni Marcos.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with