^

Police Metro

Local transmission ng Omicron subvariant, malabo pa - DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iginiit ng Department of Health (DOH) na masyado pang maaga para ideklarang may nagaganap nang local transmission o hawaan ng CO­VID-19 Omicron BA.2.12.1 Subvariant sa bansa.

“Kailangan po natin ng enough evidence para po maipakita natin at ma-­analyze natin kung talagang meron na tayong local transmission,” ayon kay DOH spokesman Usec. Maria Rosario Vergeire sa public briefing nitong Sabado.

Noong Biyernes, natukoy ng DOH na may 14 na kaso ng Omicron BA.2.12.1, dalawa sa Metro Manila at 12 sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang dalawang na-detect sa Metro Manila ay walang travel history sa labas ng bansa. Gayunman, ang travel history aniya, ay nagmula sa kanilang probinsya kung saan sila nagpabakuna bago bumalik sa Metro Manila.

Naka-isolate na ang lahat ng kaso ng Omicron BA.2.12.1 at walang pagtaas ng kaso ng impeksyon sa mga lugar kung saan natuklasan ang mga kaso. May average na 146 bagong impeksyon sa mga nasabing lugar sa pagitan ng Mayo 6 hanggang Mayo 12.

  Samantala, bagama’t  mayroon nang kaso ng Omicron BA.2.12.1 Subvariant sa bansa, sinabi ni Vergieire na wala pa ring naitatalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kahit saang panig ng bansa.

“Sa ngayon po, patuloy pa rin talagang bumababa ang mga kaso and as I’ve said kanina, wala ho tayong nakikita na significant increases in any part of our country,” ani Vergeire.

Mas mababa na rin aniya ang naiitalang kaso kumpara sa mga numero bago magkaroon ng Omicron variant.

 “During the time noong December po, mga last week of December, ang bansa po natin ay nag-a-average nationally ng mga kaso ng about 254 new cases per day. Ngayon po bumaba na ho tayo to just 146 new cases per day from May 6 to May 12,” ani Vergeire. - Malou Escudero

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with