^

Police Metro

Robin kinuhang legislative consultant si Panelo

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit pa natalo sa pag­ka-senador ay hindi mababakante si Atty. Salvador Panelo dahil kinuha siyang adviser at mentor ni senatorial frontrunner Robin Padilla.

Ito ang inihayag ni Padilla sa pamamagitan ng post sa Facebook dahil kaila­ngan niya ng pambato sa usapin ng batas sa Senado lalo pa’t aamiyendahan ang Konstitusyon.

“Bismillah. Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa senado,” ani Padilla sa kanyang post sa FB kung saan naglagay pa siya ng mga larawan habang kausap si Panelo.

Sinabi rin ni Padilla na ang pagpapalit ng Sali­gang Batas ay hindi magiging madali dahil maaapektuhan ang mga oligarko na nagtatago sa 1987 Constitution.

Hindi man aniya nagtagumpay si Panelo na tinawag pa niyang idol ay magkakasama pa rin sila sa Senado at walang magbabago sa kanilang isinusulong na pagbabago.

Idinagdag ni Padilla na walang makakapigil sa rebolusyon at si Panelo ang kanyang magiging legislative consultant, adviser at mentor. - Joy Cantos

vuukle comment

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with