^

Police Metro

Dagdag-bayad hirit ng poll workers dahil sa palpak na VCMs

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang grupo ng mga guro ang humirit sa Commission on Elections (Comelec) na pagkalooban ng karagdagang bayad ang mga poll workers na napilitang mag-overtime dahil sa mga pumalpak na vote-counting machines (VCMs) nitong katatapos na halalan.

Una nang kinumpirma ng Comelec na mahi­git 1,800 na VCMs ang dumanas ng iba’t ibang aberya na nagresulta sa pagkaantala ng botohan, na pinangangasiwaan ng mga guro, na nagsilbi bilang board of elections inspectors (BEIs).

Ayon pa kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) secretary general Raymond Basilio, na ang poll body at iba pang ahensiya ng pamahalaan ay dapat na mag-exert ng efforts upang mabigyan ng hustisya ang mga hard-working na miyembro ng electoral board.

Nabatid na may ilang guro ang napilitang mag-duty ng mahigit 24-oras sa halalan habang mayroon ring guro na nawalan ng malay matapos masobrahan ng hirap sa pagtatrabaho.

Una nang inaprubahan ng Comelec na taasan ang honoraria ng mga poll workers sa halalan ngayong taon dahil inaasahang mas mahaba ang kanilang gagawing pagsisilbi sa halalan dulot ng pandemya ng COVID-19.

vuukle comment

COMELEC

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with