5K pang seniors sa Quezon City tatanggap ng libreng gamot
MANILA, Philippines — Aabot sa halos 5,000 senior citizens ang nadagdag sa listahan na makikinabang sa Quezon City Senior Citizens Maintenance Medicine program.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, makatatanggap ang mga senior citizens ng buwanang gamot kabilang dito ang mga gamot para sa sakit na hypertension, diabetes, at mataas na cholesterol.
Ayon kay Belmonte, libreng ipamimigay ang Losartan (50mg/tab), Amlodipine (5mg/tab), Metformin (500mg/tab), at Simvastatin (20mg/tab) for free.
Sa kabuuan, nasa 40,000 senior citizens na ang nabibigyan ng libreng gamot.
“We always wanted to make our healthcare accessible to all residents, especially to our senior citizens. Gusto nating tanggalin na ‘yung problema buhat ng kawalan ng pera pambili ng gamot, at the same time, maiparamdam na aalagaan natin sila dito sa QC,” pahayag ni Belmonte.
“Tuluy-tuloy ang ginagawa nating caravan sa ating mga komunidad para mas marami pang lolo at lola ang makatanggap ng libreng gamot at iba pang serbisyong pang-senior citizen,” dagdag ng mayor.
- Latest