^

Police Metro

‘Excellence in Teacher Education Act’, batas na

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinalita kahapon ni Senador Win Gatchalian ang pagsasabatas ng “Excellence in Teacher Education Act” (Republic Act No. 11713) na layong iangat ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay para sa mga guro.

“Ang ating mga guro ang pinakamahalagang sangkap sa pag-aaral at pagkatuto ng ating mga kabataan. Kaya naman sa pagtugon natin sa krisis sa edukasyon, kailangang tiyakin natin na natatanggap ng ating mga guro ang dekalidad na pagsasanay at edukasyon,” ani Gatchalian.

Ayon sa senador, mahalagang hakbang ang pagsasabatas na ito upang matugunan ang krisis na bumabalot sa sektor ng edukasyon.

Layon ng bagong batas na patatagin ang Teacher Education Council (TEC) at paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng mga ahen­syang may kinalaman sa edukasyon ng mga guro tulad ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Professional Regulation Commission (PRC). Unang nabuo ang TEC sa bisa ng Republic Act No. 7784.

Ang TEC ang magtatalaga ng mga basic requirements para sa mga teacher education programs o mga kurso para sa pagtuturo. Ito ay upang matiyak ang matatag at malinaw na ugnayan sa resulta ng mga teacher education programs at sa mga professional standards para sa mga guro at mga school leaders, pati na rin sa pananaliksik at mga pandaigdigang mga pamantayan. Trabaho pa ng TEC na tiya­king ipinapatupad ng CHED ang mga requirements na ito.

Bubuo rin ang TEC ng roadmap para sa teacher education upang gabayan ang pagdisenyo ng mga mahahalaga, angkop, at makabagong mga programa. Isusumite ang naturang roadmap sa CHED upang maging bahagi ng National Higher Education Roadmap.

vuukle comment

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with