Higit 100K trabaho alok sa Labor Day job fair ng DOLE
MANILA, Philippines — Nasa 102,426 na trabahong local at overseas ang alok ng iba’t ibang kumpanya sa gaganaping mga job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa darating na ika-120 selebrasyon ng Labor Day sa Mayo 1.
Kaya’t nananawagan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa publiko na samantalahin ang mga trabahong inaalok ng 900 employers sa buong bansa.
Kasama sa mga trabaho ay ang 28,755 posisyon na iniaalok sa mga destinasyon sa Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, Kuwait, Germany, Poland, United Kingdom, Japan, Taiwan, at Singapore.
Nasa kabuuang 26 job fairs sa buong bansa ang isasagawa. Ang pangunahing job fair ay sa Mayo 1 sa Kingsborough International Convention Center sa San Fernando City, Pampanga, na may higit 10,000 iniaalok ang 90 employers.
- Latest