^

Police Metro

2 pulis na kawatan, 9 pa arestado

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang 2 pulis at 9 pa nitong kasama sa naganap na pagnanakaw at carnapping sa Quezon City, ka­makailan sa magkakahiwalay na follow-up operations sa Nueva Ecija at Bulacan.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina PCpl Celso Calibuso, 35, ng Mapalad, Sta. Rosa at PCpl John Hipolito, 39, ng Cabanatuan City, kapwa nakatalaga sa Cabiao Police Station sa Nueva Ecija; Gregorio Rivera, 51; Wilfredo Villago, 49; Lolito Perez, 42; Domingo Enriquez, 45; Rolado Fajardo, 50; Eduardo Paez, 35; at Rodrigo Villamor, 59; Walter Torres, 49, at Daniel Tuazon, 26.

Nabatid na naganap ang isang robbery at carnapping incident sa kahabaan ng Don Jose St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City noong Abril 21 nang pa­sukin ang bahay at tutukan ng baril ng mga suspek ang biktima na  sina Yancheng LU, 23, at Shanxing Jia, 28, kapwa nakatira sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.

Tumakas ang mga suspek, gamit ang sasakyan na White Nissan Urvan kasama ang Grey Chevrolet Captiva Wagon na pagmamay-ari ng isa sa mga biktima.

Unang naaresto sina Villago,Perez, Enriquez, Fajardo, Paez, Villamor, at Torres, alas-6:30 ng gabi ng Abril 24, 2022 sa Brgy. Marcos Village, Palayan City, Nueva Ecija at sa ikinasang follow-up operation sa Nueva Ecija ay naaresto  sina PCpls Calibuso at Hipolito, gayundin si Rivera.

Isiniwalat ni Paez ang lokasyon ng isa pa nilang kasama na nagngangalang Chris Padilla kaya’t kaagad itong naaresto.

Alas-5:40 ng hapon noong Abril 25 sa Brgy. Ilog Bulo, San Miguel, Bulacan, positibong itinuro ni Paez ang isang White Toyota Innova na ginamit nila nang maganap ang Robbery at dito nadakip si Tuazon.

Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at mahaharap sa kasong ­robbery at carnapping. 

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with