^

Police Metro

MILF inendorso si Robredo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaking bahagi ng Min­danao ang makiki­na­bang kung si Robredo­ ang ma­hahalal na susunod na Pa­ngulo ng bansa.

Ganito sinuri ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman at tinawag niyang “great impact” ng hindi inaasahang pag-indorso ng MILF sa isang kandidato sa pagka-pangulo.

Isang boto para sa ka­payapaan at progreso sa Mindanao ang gina­wang makasaysayang de­sisyon ng Moro Islamic Libera­tion Front (MILF), sa pa­ma­magitan ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), na suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa May 9, 2022 national election.

Sinabi ni Hataman, ang suporta ng MILF kay Robredo ay magkakaroon ng “domino effect” sa lokal na kampanya sa Mindanao para sa pagka-bise presidente at presidente dahil sa impluwensya ng orga­nisasyon hindi lamang sa BARMM kung hindi sa buong isla.

Ibinunyag din ni Ha­taman na ang pagmama­lupit sa mga Moro sa pa­nahon ng Martial Law ay may malaking ambag sa suporta ng MILF, ang ka­siguraduhan ng kapaya­paan sa Mindanao sa ilalim ng pamumuno ni Robredo ang malaking dahilan ng desisyon.

“Ang suporta nila kay VP Leni ay may diin sa pagtingin sa kinabukasan kaysa sa paglingon sa nakaraan,” ayon sa kongresista. “Yes, what happened in the past is a contributory factor kasi malupit naman talaga ginawa – towns burned, mosques pillaged at napakaraming masaker ng mga Moro,” ang sabi pa ni Hataman.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with