^

Police Metro

Walang pangalan ni VP Robredo sa balota sa New Zealand, ‘fake news’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinasura ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia noong Linggo bilang “pekeng” alegasyon na ang pangalan ni Vice President Leni Robredo na kandidato sa pagkapangulo ay hindi kasama sa balota sa overseas absentee voting na isinagawa sa New Zealand kaugnay ng ginagawang ‘overseas absentee voting (OAV)’.

Sinabi ni Garcia na naimprenta ang mga balota ng ‘by batch’ kaya kung wala ang pangalan ng ikalawang Pangulo ay dapat marami na ang nagrereklamo.

Isang dating miyembro ng parliamento ng New Zealand na si Paulo Reyes Garcia, ang nagkumpirma rin sa kaniya na nakatanggap ng balota na kumpleto ang pangalan ng lahat ng kandidato.

“Maniwala po kayo. Sa ating mga kababayan, hindi po totoo yan, fake news po. Nagdeklara na po ang ating embahada diyan po sa New Zealand. Wala po silang natanggap kahit isa man na reklamo mula sa mga kababayan sa New Zealand,” paliwanag ni Garcia.

Bilang pinuno ng Task Force kontra sa fake news ng Comelec, magsasagawa si Garcia ng imbestigasyon sa naturang ulat.  Dudulog umano siya sa National Bureau of Investigation (NBI) ukol dito.

vuukle comment

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with