^

Police Metro

Aika Robredo, nagpasaklolo sa NBI sa pekeng sex video

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) si Aika Robredo, anak ni Vice President Leni Robredo, ukol sa kumalat na mga ‘URL links’ ng mga pekeng sex videos na itinuturo siya.

Nais ng kampo ni Robredo na matunton at panagutin ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat sa internet ng malaswang mga video na layon umanong bahiran ng masama ang kanilang imahe. 

Nabatid na Abril 11 nang kondenahin ng kampo ng mga Robredo ang nagsulputang mga URLs na sinasabi ang laman nito ay sex video ni Aika, ngunit kapag bubuksan ay dadalhin ang user sa mga ‘adult site’ na mga dayuhan ang bida.

Sumulat na ang mga abogado ni Robredo sa NBI-Cybercrime Division para suriin ang 60 URLs na naglabasan, tukuyin ang pinagmulan nito, kilalanin ang mga nasa likod at panagutin base sa batas.

Kapag may resulta na ang imbestigasyon, nangako ang kampo ni Robredo na sasampahan ng kaso ang mga taong nasa likod nito.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with