^

Police Metro

‘Highly competent’ si VP Robredo na mamuno sa pagbangon sa pandemya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kahit hindi na bahagi ng kanyang mandato ay napakarami pa rin natulungan kahit maliit man ang pondo ng kanyang tanggapan.

Ganito isinalarawan ni Diwa Guinigundo, retired deputy governor ng Bangko Sentral, sa kanyang paglalarawan sa kakayahan ni Robredo na mamuno sa bansa bilang pangulo.

“Gusto natin ng lider na responsable at maabilidad, ‘yung kayang mag-budget ng pera sa tahanan at pagkasyahin ang maliit na halaga para sa maghapong gastos ng pamilya”, wika ni Guinigundo.

Ang mga ito, dagdag pa niya, ay may resibo lahat na nagpapakita ng napakaraming programa sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa maliliit na lalawigan o bayan tulad na lamang ng malayong na lugar ng Ayutaya sa Palawan na minsang naging tampok ng kanyang talumpati.

Sa katunayan, dinaig pa ni Robredo ang ilang ahensya na ‘di hamak na may mas malaking pondo kaysa sa kanyang tanggapan, at ito ang “skill set” na kailangan ng bansa na pilit bumabangon mula sa masamang epekto ng pandemya.

Aniya, mas malaki ang pondong kakailanganin sa pagbangon ng ekonomiya kaysa sa koleksyon ng pamahalaan, kaya mahalaga ang kakayahan ni Robredo na maraming nagagawa sa kakaunting pondo.

Kabaligtaran naman umano ni Robredo ang kanyang kalabang si Ferdinand “Bongbong” Marcos na may utang pa sa buwis ang estate ng ama at may problema sa pagbabayad ng buwis, ayon kay Guinigundo.

vuukle comment

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with