^

Police Metro

Babae dinukot ng ex-live in, na-rescue sa Parañaque

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Arestado ang 37-anyos na negosyante matapos na maaktuhan ng mga pulis na sapilitang tinatangay umano nito ang kanyang dating live-in partner sakay ng isang traveler van, sa Parañaque City, Miyerkules ng hapon.

Agad na dinakip ng mga tauhan Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Pa­rañaque City Police ang suspek na nakilalang si Franklin John Abanilla, driver/businessman/force multiplier at residente ng San Pedro, Laguna at nasagip ang biktima na si Rugeline Ugat.
Sa ulat, dakong alas 4:00 ng hapon ng Abril 13 nang i-rescue ang biktima sa Bradco Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque City, habang nasa loob ng minamanehong Foton Traveler van ng suspek.

Nagsisigaw at humingi ng saklolo ang biktima sa security guard ng Aseana, na agad namang ipinaalam sa nagpapatrolyang mga mieymbro SWAT ng Pa­rañaque Police.

Hinabol ng SWAT at Aseana security guards ang papatakas na van kaya nailigtas ang biktima, na nagtamo ng dalawang beses na pangunguryente o electric shocked mula sa taser gun ng suspek.

Narekober sa suspek ang teaser gun o electric shock device, isang posas,  isang 9mm pistol , magazine nito na may 6 na bala, at ang Foton traveler van.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with