^

Police Metro

Pulis na lulong sa online sabong, nanakit ng misis na pulis

Cristina Timbang - Pang-masa
Pulis na lulong sa online sabong, nanakit ng misis na pulis

MANILA, Philippines — Nagsampa ng kaso ang isang misis na pulis laban sa kanyang mister na isa ring pulis na nanakit sa kanya nang sitahin niya ito sa pagkalulong sa online sabong, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Narra 2 Silang, Cavite.

Ang biktima na nag­sampa ng reklamo ay  si PCpl Rosemarie Manarang Cabaltera, 34, naka­destino sa Silang-MPS at residente ng nasabing barangay  laban sa kanyang mister na si PCpl Jake Paredes Cabaltera, 31, na nakadestino sa Manila Police District (MPD).

Sa imbestigasyon, alas-2:30 ng hapon nang per­sonal na magtungo sa ka­ni­lang himpilan si Rose­marie at nagharap ng kasong pa­na­nakit laban sa mister.

Sa salaysay ng biktima ay kinompronta niya kanyang mister hinggil sa nabisto nito ang pagkalulong sa online sabong mula sa kanyang biyenan.

Nagalit ang suspek sa panenermon ng ina at binato nito ang kanyang misis at bukod na ng mga oras na iyon ay bitbit nito ang kanilang 2-taong gulang na anak.

Nagpatuloy ang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek hanggang sa ikinulong ang una at kinandado ang mga gate at sinabihang hindi ito ma­aaring lumabas ng bahay.

Nang makakuha ng ti­yempo ang biktima ay agad itong nagtungo sa kanilang himpilan at sinampahan ng kaso ang mister.

vuukle comment

E-SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with