^

Police Metro

2 ginang natimbog sa P20.4 milyong shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
2 ginang natimbog sa P20.4 milyong shabu
Iprini­sinta sa mamamahayag ang dalawang ginang na naaresto sa isang buy-bust ope­ration sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at nasamsam sa kanila ang nasa P20.4 milyon shabu.
Christian Ryan Sta.Ana

MANILA, Philippines — Dalawang dayong babae ang naaresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation sa Lakewood Subdivision, Barangay Sumacab Este, Cabanatuan City, kamakalawa ng hapon.

Nakumpiska sa dalawang suspek na kinila­lang sina Sittie Pindatun, 30, at Nor-Ain Bilal, 26, kapwa may-asawa ng Barangay H-2, Dasmariñas City, Cavite ang nasa tatlong kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng P20,400,000.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust sa nasabing subdivision ang sanib-puwersang tauhan ng NEPPO, CIDG, PFU-NE, PDEA-RO, 1st and 2nd PMFC, RID, RDEU3 at PDEA-R3.

Nakabili ang police poseur-buyer sa dalawang suspek ng hinihinalang shabu na nakalagay sa dalawang kulay berdeng plastic tea bags na may marking na Chinese Pin Wei, gamit ang 19 na bungkos ng ‘boodle mo­ney’ na tig-P1,000 bill.

Agad na inaresto ang dalawang suspek at doon nakita ang mga nakatali na 10-pirasong transpa­rent plastic bag na nag­lalaman ng hinihinalang shabu na aabot sa 3-kilo ang timbang na may street value na P20.4-M, kasama ang 2 cellphone ng mga suspek na gamit umano nila sa ilegal na gawain. - Doris Franche

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with