Omicron XE, 10% mas nakakahawa kaysa stealth Omicron
MANILA, Philippines — Mag-ingat sa bagong tuklas na ‘Omicron XE variant’ dahil sa 10 porsyentong mas nakakahawa umano ito kaysa sa ‘stealth Omicron sub-variant’ base sa World Health Organization (WHO).
Ito ang paalala ni infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, hepe ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Unit sa San Lazaro Hospital, na ang XE ay kumbinasyon ng orihinal na BA.1 Omicron variant at ng BA.2 o ang ‘Stealth Omicron sub-variant’.
Unang naiulat ang Omicron XE sa United Kingdom at kumalat na sa ibang bansa kabilang sa mga kapitbahay ng Pilipinas tulad ng Thailand.
Kulang pa rin naman ang ibang impormasyon ukol sa Omicron XE tulad ng kung paano ito nakakaiwas sa proteksyon ng bakuna, magdudulot ba ito ng malubhang impeksyon at pagkakaospital.
Para naman kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang panahon para magpa-booster shot na ang mga kuwalipikadong Pilipino para makaiwas na mahawa ng nagsusulputang mga variants.
- Latest