^

Police Metro

DOH minomonitor ang napaulat na ‘Omicron XE’ variant sa Thailand

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakikipagpulong na ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) upang maberipika ang napaulat na ‘Omicron XE’ sa Thailand at mabatid kung may dagdag na panganib ito sa publiko na madadapuan nito.

Patuloy naman umano ang monitoring at oberbasyon dito upang mabatid kung makakategorya ito na panibagong ‘sub-variant’ ng Omicron o panibagong variant ng COVID-19.

Aalamin din kung nagpapakita ito ng panibagong katangian kumpara sa mga naunang variants.

Tiniyak rin naman ng DOH na patuloy nilang minomonitor ang case trends sa bansa sa tulong ng Philippine Genome Center (PGC).

Una nang nagpalabas ng babala ang World Health Organization (WHO) hinggil sa bagong mutant XE variant ng Omicron na mas mabilis umanong makahawa kumpara sa iba pang strain ng COVID-19.

vuukle comment

DOH

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with