^

Police Metro

Tirso, wala sa mukha na 70 na  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tirso, wala sa mukha na 70 na             

Nanonood kami sa news channel isang umaga at nagulat kami nang ilabas ng “chargen” nila na “ipinagdiwang ni Tirso Cruz III ang kanyang ika-70 kaarawan.” Talaga bang 70 na si Tito Pip? Kasi kung titingnan mo siya, at lumalabas pa rin naman siya sa telebisyon hanggang ngayon, sasabihin mong mga 50 or 60 lang siya. Naging top matinee idol siya noong huling taon ng dekada 60, pero tingnan ninyo, bakit sa loob ng limang dekada na niyang career at sa edad niya ngayon sikat pa rin siya sa  fans? Bakit ang mga bagong artista na kailan lang sumikat ngayon ay laos na?

Hindi naman sa pamimintas, iba ang hitsura ng mga artista noong araw. Noon, basta nakita mo ang artista mapapatingin ka talaga dahil iba sa karaniwa ang hitsura. Angat talaga ang dating nila kaysa sa iba. Eh ngayon mayroon kang tatanungin “artista ba iyan.”

Isa pa, ang mga artista kasi noon, nakatali sa production companies, kaya sila ay sinasanay sa mahusay na pag-arte. Kung hindi sila matututong umarte, malulugi ang kumpanya sa kanila. Eh ngayon madali lang. Pinagwo-workshop. Eh ang mga workshop naman nagsulputan na lang, na kahit na saang sulok may nagpapa-workshop at hindi importante sa kanila kung may natutuhan o wala, basta nagbayad na. Kaya kung minsan mayroon kang mapapanood na tatanungin mo, “bakit naging artista iyan.”

Ang mga artista noong araw bini-build up nang malinis ang image. Hahangaan mo dahil maganda ang pagkatao. Eh ngayon ano ang sinasabi nila, mga lalaking handang ibuyangyang ang private parts nila, at mga babaeng handa ring makipaglaplapan nang hubo’t hubad. Aba noong araw sa mga “live shows” lang iyan sa isang lumang sinehan sa Malate napapanood, at ang tawag diyan ay “toro-toro.”

Sa sistema ngayon tatagal ba ang popularidad ng mga artista kagaya nina Tito Pip? Pagkatapos nilang ibuyangyang ang kanilang private parts na mukhang ‘yun lang naman ang maipagmamalaki, ano pa ang kasunod? Makikipag-live in na sila sa mga kapwa nila artista, o kung di naman kakabit sa maya­yamang pulitiko. Ganyan ag naririnig nating kuwento ngayon maging mga babae at lalaki mang “artista.”

Iba talaga ang mga artista noong araw. Hinahangaan at iginagalang.

Aktor, rumaraket sa mga bading sa abroad sa halagang $2K

Kahit talaga sa abroad ay maraming Marites. May isang Marites na nag-post pa ng picture ng isang Pinoy male star na sinasabi niyang “suma-sideline” sa mga bading doon. At $2K daw ang singil nito bawat date? Malaki iyon ha. Kasi sa iniistambayan niyang watering  hole sa Taguig, P20K lang, sumasama na iyan. Kung “car fun” nga lang daw kahit na P7K payag na iyan.

Iyong $2K, P104K iyon sa halaga ng pera natin ngayon. Big time dahil hindi siya nabayaran ng ganyan kalaki kahit na sa mga pelikulang ginawa niya noong kasikatan niya.

Kung sa bagay, may hitsura naman siya. Hindi maikakailang pogi kaya marami rin ang nagkaka-interest sa kanya kahit na kung minsan ay may maririnig ka ring negative na para lang daw “saging na tindok” ang ipinagyayabang niya.

vuukle comment

TIRSO CRUZ III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with