^

Police Metro

Smuggling ng mga miyembro ni Quiboloy, ikinanta ng paralegal sa US

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumanta na ang paralegal ni Pastor Apollo Quiboloy sa Los Angeles, California at inaming siya ang taga-doktor ng mga dokumento ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pinamumunuan ng nasabing pastor kaugnay sa trafficking scheme.

Ayon sa US Justice Department, inamin ng paralegal na si Maria de Leon na siya ang naghahanda ng mga mapanlinlang na dokumento ng mga miyembro ng KOJC para sa kanilang permanent residency at citizenship sa United States. 

Sa post sa website ng US DOJ, nakasaad na pumayag si De Leon na maghain ng “guilty” plea sa kanyang partisipasyon “in a scheme with administrators of the church, which is known as the Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name.”

Nangako rin si De Leon na makikipagtulungan sa kaso ng gobyerno.

Si De Leon at walo pang miyembro kabilang na si Quiboloy ay nahaharap sa 42-counts indictment kaugnay sa pagpapatakbo ng isang “labor trafficking scheme” kung saan pinipilit umano ang mga miyembro na ma­ng­hingi ng donasyon para sa bogus na children’s charity, habang ang pera umano ay itinutustos sa marangyang pamumuhay ng kanilang mga lider.

Ayon sa US DOJ, umamin si De Leon na bahagi siya nang panloloko sa marriage at visa ng mga liders ng KOJC sa halos walong taon.

Matatandaan na kinasuhan ng US prosecutors noong Nobyembre 2021 sina Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan at Felina Salinas kaugnay sa sex trafficking. Inakusahan sila na nagre-recruit ng mga babae na edad 12 hanggang 25 upang magtrabaho bilang personal assistants o “pastorals” para sa mga religious leader.

Ayon sa US DOJ, isa si De Leon sa mga defendants na inaresto kaugnay sa kaso samantang limang iba pa ang nakatakdang humarap sa trial sa Marso 21, 2023.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with