^

Police Metro

120 supporters ng NPA, kumalas na

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aabot sa 120 supporters ng New People’s­ Army (NPA) ang nagpahayag ng pagbawi ng suporta sa rebeldeng grupo na kasabay ng ika-53 taong anibersaryo ng nasabing grupo noong Martes.

Malugod namang tinanggap ni Philippine Army Major General Andrew Costelo, commander ng 7th Infantry Division, ang 120 indibiduwal na mga miyembro umano ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) at Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM) sa isang withdrawal of support ceremony na ginanap sa Barangay Bonifacio sa bayan ng Cuyapo, Nueva Ecija.

Naging facilitator naman ang mga sundalo ng 84th Infantry Battalion sa pagtanggap sa 120 miyembro ng LMB at PKM, na katuwang na sinaksihan ng Local Government Unit at Municipal Police Station ng nasabing bayan, at ng 2nd Provincial Police Mobile Force.

Sa seremonya, isang panunumpa ng katapatan sa pamahalaan ang isinagawa ng mga kalahok, kasunod ng pagsunog nila sa mga Watawat ng CPP-NPA-NDF, na sumisimbolo sa pagkaputol ng kanilang ugnayan at suporta sa komu­nistang grupo na kumokondena rin sa mga kalupitan na ginawa ng Communist Terrorist Groups (CTG) sa mga nagdaang taon.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with