^

Police Metro

Estate tax bakit ‘di nasisingil — Duterte

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-uusisa sa Bureau of Internal Re­venue (BIR) kung bakit hindi pa nasi­singil ang estate tax.

Sa ‘Talk to the People,’ sinabi ng Pangulo na kapos ang pondo ng pamahalaan dahil sa pandemya sa COVID-19.

Gayunman, hindi tinu­koy ng Pangulo kung sinong partikular na puli­tiko ang pinasisingil sa estate tax.

Tanging ang pamilya ni UniTeam presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang hinahabol ng BIR dahil sa hindi nabayarang P203 bilyong estate tax.

“Sa taxation natin, so ang gobyerno can only prod. Hindi naman kailangan ng reminder sa Ma­lacañang. Nandiyan ‘yung BIR so tanungin natin ‘yang BIR bakit hanggang ngayon hindi nakolekta ‘yung estate tax,” pahayag ng Pangulo.

Una nang sinabi ng BIR na pinadalhan na nila ng sulat ang pamilya Marcos para pagbayarin sa P203 bilyong estate tax.

Sa panig ni Marcos, sinabi nitong marami nang naglutangan na fake news sa usapin ng estate tax.

vuukle comment

ESTATE TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with