^

Police Metro

Nilagdaang Public Service Act, lilikha ng maraming trabaho

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lilikha ng maraming trabaho at agad na makakabangon ang bansa sa pan­demya ang nilagdaang batas para sa pag-amyenda ng Public Service Act.

Pinuri ito ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes na isa sa may akda ng House Bill No. 78 na bersiyon ng Mababang Kapulungan sa pag-amiyenda sa Public Service Act.

Sinabi ni Robes na ang pagbubukas ng ilang mga industriya para ma­ging pag-aari na ng mga dayuhan ay higit pang makakaakit para sila mamuhunan sa ating bansa.

Isa si Robes sa mga ­inimbitahan sa Malacañang nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) No. 11659 o ang “An Act Amending Commonwealth Act No. 146 na kilala bilang Public Service Act” noong nakaraang linggo na nagpapaluwag sa paghihigpit sa mga dayuhang mamumuhunan upang payagan silang maglagak sa lokal na negosyo ng 100 porsiyento ng kanilang puhunan.

Sa kabila nito na ­ilang mga industriya ang hindi sakop ng batas at hanggang 40-porsiyento lamang ang kanilang puwedeng ibuhos na puhunan tulad ng pamumuhunan sa distribusyon at transmission ng elektrisidad, pipeline transmission ng mga produktong petrolyo, water at wastewater pipeline distribution, kabilang ang sewage pipeline, mga daungan at pampublikong sasakyan.

vuukle comment

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with